Naramdaman nyo naba yung feeling na minsan gusto mo nalang mawala?
O kaya naman yung times n wala ka na halos maramdaman?
Mapapatanong ka nlng sa sarili mo kung ano pa ba ginagawa mo sa mundong ito? Ano pa ba ang silbi mo?
Ramdam mo tlg na mag isa ka lang. Na wala sayong nagmamahal o may pakialam man lang.
Siguro oo naramdaman mo na to..
o di kaya ngayon pinagdadaanan mo ito..
ako? oo noon maraming beses na..
Ayaw mo makipag usap kahit kanino..
gusto mo nalang magkulong s mundo mo..
Naiintindihan ko.. been there done that..
Pero eto lang masasabi ko. Wala naman nagawang mabuti yung pag iisa ko at pag iwas ko sa ibang tao.
Mas lalo ako kinakain ng kumunoy. Linalamon ako ng buong buo.
Halos gusto mo nlng kitilin ang sarili mo.. yan ang puntong hinde kelan man magiging tama o magiging solusyon.
Para saakin, ayaw man natin makipaghalubilo sa ibang tao o makipagusap, itry pa din ntn n kahit s sulat magbigay tayo ng tiwala at magbahagi ng bigat na ating dinaramdam.. kasi hinde ka naman talaga nag iisa..
akala mo lang yan...
Isulat mo dito ang nararamdaman mo. Ishare mo ang bigat n ndarama ng puso mo.
Hinde ko kelangan malaman kung sino ka. ano ka, taga saan ka o kung ano pa man.
Andito lang ako. Hinde maghuhusga dahil wala akong karapatan. Magbabasa ako.. sasagot ako kung gusto mo.
Subukan nating pagaanin ang dinadala mo..
Kasi kahit kelan hinde solusyon ang kumitil ng sariling buhay. Hinde solusyon ang magpakahina.
Malakas ka.. matatag ka.. wag mo hayaang mawala ang buhay na sayo ay inilaan.
Malawak ang mundo.. mahaba ang oras.. madami pa ang pwede maganap.
Hinde natin alam ang nakasaad s kinabukasan.
Pero isa lang ang sigurado ko.. lahat ng sakit at kabiguan ay may katumbas na tagumpay.
So ano… Tara! Usap Tayo!